Ang paghahanap ni Luna sa kaniyang pinsan na hindi nakauwi matapos maligo sa ilog ay nauwi sa hindi kapani-paniwalang pangyayari sa buhay niya. Natagpuan na lamang niya ang sarili niya sa isang kakaibang mundo na pinamumunuan ng mga maharlika at napag-alaman niyang wala ng daan pabalik. Paano ito matatanggap ni Luna? Paano siya mamumuhay sa mundo na lahat ay bago sa kaniya? May pag-asa pa kaya na makabalik siya sa kaniyang mundo?